Monday, November 8, 2010

ang pasimula

sa bawat simula ng umaga. hindi bigla bigla ang liwanag. unti unting bumubuka ang liwayway sa pagsisimula ng bagong araw. gaya ng umaga, ang lihim ng buhay ay hindi ibinubunyag ng biglaan. unti unti kung paanong ipinanganganak ang isang bagong tao mula sa sinapupunan ng ina.

hindi ako nagsusulat upang ibunyag ang aking lihim. kundi gawing mga katotohanan ang mga ito. mula sa pagbuo ng grupo ng pagkakaisa sa iisang layuning itaguyod ang kasarian hanggang sa pagsuporta at bahagi ng mga pulahan sa makakaliwang panig, nagnanais din ako ng paglaya, tungo sa isang pantay pantay na lipunan.

hindi ako magsusulat ng mga lathalaing tungkol lang sa akin. dahil binubuo ako ng napakaraming taong pumapaligid sa akin. nariyan ang mga sawing pag-ibig, nasirang pagkakaibigan, ilang martsa patungong mendiola, ilang bundok na natawif at marami pang pang-araw araw na pakikisalamuha sa ibat-ibang tao na ma ibat-ibang uri.

hindi ko isusulat ang araw araw na tampok sa aking buhay. isusulat ko ang bubuo ng iyong araw o sisira pa nga dahil sa ibat-ibang panig ng kaisipang umaagos  sa mula sa bawat tipa ng dalirig naglalakbay sa mga letra.

ito ang pasimula ng ilang taong lumipas. pagbabalik pa nga sa napakaraming karanasang hindi na ikwento. ang aking mga lihim.

No comments:

Post a Comment