Friday, November 26, 2010

STRIKE

Kahapon pagkalabas ko ng opisina, napili kong magmadali sumakay ng jeep papuntang quiapo sa may crossing sa kabila ng mainit na panahon para dumerecho sa morayta. dun ko hihintayin ang bulto ng mga kabataan na naglunsad ng STRIKE laban sa mataas na budget cut ng pamahalaan. sa kabila na mejo puyat ako, dahil ala una pa lang ng madaling araw ay naghahanda na ako para sa shift ko na alas 3 ng madaling araw.




nang makita ko ang malaking bulto ng kabataan na napiling lumabas ng campus para irehistro ang kanilang saloobin laban sa budget cut. nagising ako sa katotohanang mahigit isang taon na pala akong hindi nakasama sa isang mobilisasyon. mahabang oras para sisang tulad ko na nagsusulong nuon ng pagbabago.

iba pala talaga ang ganitong pakiramdam. dati naalala ko ako pa ang papasok sa mga klasrum para mag imbita ng mga estudyante.ngayon nakakahiya man naimbitahan na lang din ako.

matinding ahitasyon ang dinulot sa akin nito. parang ayoko na tumapak sa opisinang malamig at parang walang krisis. di ko alam. dapat maresolba ko na ang kontradiksyong ito.

sa ngayon masaya na muna ako na alam kong tama ang gagawin ko kung sakaling pumili na ako ng landas na tatahakin sa mga susunod na araw. namiss ko lang talaga to, pati narin mga kaibigan ko.




mabuhay ang mga linkgod ng bayan!


1 comment:

  1. salamat kay sandino nartea para sa mga letrato. ;) - jay

    ReplyDelete