lagi kong sinasabi na nainlove ako nuon pa. unang karelasyon ko ay noong 1st year hayskul pa ako. sa isa sa mga naging elementary teachers ko. oo siguro nakakgimbal sa iba pero yun ang aking naging karanasan. madami na rin siguro akong napagdaan, mula sa mga puppy love hanggang sa pinakaseryosong relasyon. di ko sya malilimutan. ang pinakaminahal ko na kahit ngayon ay masasabi ko pang mahal ko. nakilala ko si JM nuong nasagitna ako ng maigting na kontradiksyon na huhubog sa aking pagkatao. nuong panahong walang maayos na bahagi ng aking buhay. siya. siya ang naging dahilan ng aking buhay.
siguro hindi ako magiging ganito kung hindi ko man lang siya nakilala. mula sa pagtulog sa malamig na sahig. pagsundo sa akin sa school para ihatid sa bahay. siguro kung tatataasan ko standards ko sa pakikipagrelasyon siya lang talaga masasabi kong naging seryoso. at sabi nga nila, maghihiwalay din kami. oo naghiwalay nga kami nuong november 11, 2009 pagkatapos ng napakasayang relasyon. di talaga naging malinaw sa akin bakit kami naghiwalay. alam ko lang ilang linggo din akong tulala at buwan din bago naka recover.
kapapanuod ko lang ng love of siiam ng pang nth time kanina. wala akong kopya, buti na lang may youtube.
nakakakilig pero naiyak talaga ako nung sinabi ni Tong kay Mew na "Im sorry I can't be your boyfriend. but it doesn't mean that I dont love you. bakit may mga ganung tao? Iniiwasan ang kumplikasyon. ganyan din ang sianbi sa akin ni JM nuon. "nakikipaghiwalay ako sayo ngayon, hindi dahil hindi na kita mahal. gagawin ko to, dahil mahal na mahal kita" yan yun sabi niya. kung mahal mo ang isang tao, bakit hindi handang harapin ang kumplikayon> bakit hindi harapin ito ng magkasama.
hindi natin alam. siguro lihim nila yun. gaya ng napakaraming kumplikayon sa mundo dahil sa pag-ibig. basta ako, magmamahal ako. kahit sa pagmamahal, ay nasasaktan pero sabi nga nila, hindi dito nagtatapos ang lahat. siguro nga may mga lihim pang mabubunyag.
No comments:
Post a Comment