naaalala ko pa nung unang araw na tumambad sa akin ang pader na ito nung kolehiyo pa ako. nasa may shopping center ito ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman.
ano ba talaga ang sinasabi nilang krisis? sa pagtanaw ko sa bintana ng opinisinang malamig at lubhang sa umaga man o gabi. nagtanong ako, may krisis nga ba talaga? kinapa ang papel na listahan kung magkano nga ba ako binabayaran ng kumpanyang ito para sumagot ng mga tawag mula sa land down under, parang napaisip ako kung sa panahon ba ng krisis, tulad kong kabataang wala pa namang kasanayan o ekspiryens sa trabaho ay tatanggap ng ganitong halaga. minsan sabi ko, baka nagkamali ako nung kolehiyo.
naliliyo sa mga iniisip, nagising ako sa katotohanang isa pala ako sa mga kabataang iskolar ng bayan na nagmamartsa at humihiyaw para sa panlipunang pagbabago ilang taon lang lumipas. ilang oras na din ang ginugol para mag-aral hinggil sa lipunin at paano babaguhin ito. halos saulo ko ang libro ni Joma at gagap ang mga teorya ni marx, lenin at mao. pinili ko nuon ang simpleng buhay na mamuhay at makiisa sa uring anakpawis.
pero asaan ako ngayon? naka-corporate attire, naka-upo malambot na swivel chair, nakaharap sa computer at nakikipag-usap sa mga hindi kalahi na problemado sa serbisyo ng isang kumpanyang hindi ko naman talaga kilala.
nung isang linggo, tumambay ako sa may monumento, dun sa may jolibee sa may aranet square.habang nagyoyosi sa labas, nagtaka ako bakit napakadaming pulis ang naghihintay. nagtanong ako sa isang pulis na mukha namang sasagutin ng maayos ang tanong ko. "may rally kasi, umuwi ka na baka magkagulo. mukha ka pa namang mayaman". hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ng pulis. parang gusto kong maghintay at makiisa sa hanay. makisigaw sa kung anumang hinaing ng bayan. biglang bumuhos ang ulan. sumabay ata sa nararamdaman ko. wag mo na itanong kung ano ang ginawa ko pagkatapos. siguro ayoko lang maputikan ang polong bagong bili na suot ko nuon.
nakakhinayang. muntik ko ng gawin ang nararpat nuon. bakit nga ba bumalik pa ako. handa na ang ripleng hahawakan ang magwawagayway ng pulang kapangyarihan. handa na ang masa para sa tunay na kalayaan pero asaan ako. handa ba ang tawag sa pagtipa ko ng mga letra sa ngayon. hindi ko pa alam ang sagot sa mga tanong na ito.
saan ba ako patungo? saan ba tayo tutungo. tama nga ang mga marxista, matagal magpanibagong hubog. petiB pa din ako. hanggan ngayon alam ko ang tama. pero nagdadalawang isip parin. siguro mahahanap ko din ang sagot, at malamang mahahanap ko yan sa labas. duon sa kalsada. siguro kailangan kong bumalik sa monumento. o sumugod sa mendiola. yan. yan ang lihim na dapat kong matuklasan sa pinakamabilis na panahon.
No comments:
Post a Comment